RED CROSS 143

Frequently Asked Questions
Nursing Corps Fact Sheet
Ano ang Red Cross 143?
Ang Red Cross 143 ay programa ng Philippine Red Cross na nagtuturo sa mga mamamayan na kumalinga sa kanilang
komunidad. Ito ay nagbibigay-kapangyarihan sa bawat barangay
na maging handa sa pagtugon sa anumang uri ng sakuna.
Ang 143 ay naglalayong magkaroon ng 44 volunteers sa
isang barangay, isang pinuno at 43 kasapi na syang
magsisilbing mata, tenga, kamay at paa ng Red Cross sa bawat
komunidad.
Ang mga 143 volunteer ay pinagbuklod at hinasa sa tatlong
aspeto -- (disaster preparedness and response, health and
welfare at voluntary blood donation.)
Ang Red Cross 143 ay may layunin na bumuo ng network ng
volunteer na magbibigay ng mahahalagang impormasyon at
maaring pakilusin para sa mabilisang pagtugon sa alinmang
kalamidad o sakuna.
Tungkulin ng 143 Volunteers
a. PREDICT (Alamin) – alamin ang mga posibleng banta sa
iyong komunidad (hal. baha, bagyo, lindol, pagputok ng
bulkan, sunog, landslide o armadong labanan).
b. PLAN (Magplano) - planuhin ang mga dapat gawin sa oras
ng sakuna.
c. PREPARE (Maghanda) - ihanda ang komunidad sa mga bagay
na kakailanganin (hal. pagkain, tubig, gamot na
di-kinakailangan ng reseta, first aid kit, survival kit, mga
damit at kagamitang pantulog, at mga gamit pangkalinisan).
d. PRACTICE (Magsanay) – magsagawa ng pagsasanay sa
komunidad (hal. paunang lunas at emergency evacuation
drill).
e. REPORT (I-report) - mangalap at ipagbigay-alam sa Red
Cross ang mga pangunahing impormasyon tungkol sa emergency
or disaster.
f. RESPONSE (Tumugon) – tumugon sa mga posibleng
pangangailangan (hal. First Aid, health and hygiene
promotion, voluntary blood donation, psychological support,
tracing at relief operation).
|