RED CROSS 143 FAQ'S

Back to Red Cross 143
Tanong: Paano ba ang maging isang Red Cross 143
volunteer sa Red Cross?
Sagot: Maaari kayong magsadya sa pinakamalapit na lokal
na PRC Chapter sa inyong tirahan at makapagparehistro
bilang volunteer ng Red Cross. Kayo po ay bibigyan ng
registration form para inyong sasagutan, pagkatapos ay
ipapaalam sa inyo kung kailan ang inyong orientation. Ang
administrator o staff po sa ating chapter ang magbibigay ng
karagdagang impormasyon ng pagiging isang volunteer sa Red
Cross. Maaari din kayong tumawag sa 527-0000 sa iba pang mga
katanungan.
Tanong: Paano ka makakatulong sa barangay na iyong
tinitirhan? Ano ang programa ng Red Cross patungkol sa mga
barangay?
Sagot: Maraming pwedeng maipaabot na tulong sa iyong
barangay. Isa na dito ay ang pagsali sa Red Cross 143. Ito
ay isang programa ng Philippine Red Cross sa
pangunguna ni Chairman Senator Richard J. Gordon na
nagtuturo sa mga mamamayan na kumalinga sa kanilang
komunidad. Ito ay nagbibigay ng kakayahan sa bawat barangay
na maging handa sa pagtugon sa anumang uri ng sakuna. Kung
saan ang bawat 143 volunteer ay maaaring magreport at
mabilis na tumugon(magresponde) sa pangangailangan ng
kanilang barangay sa panahon ng sakuna o kalamidad.
Ang 143 volunteer ay maaaring magreport ukol sa
nangyaring sakuna sa pamamagitan ng mga sumusunod:
- Pagtext kay PRC Chairman Richard J. Gordon:
09209527232
- Pagtext sa PRC Disaster Operations Center:
09178068513
- Pagtawag sa (02) 666-5034/ (02) 666-5038
- Pagtawag sa hotline (i-dial ang 143)
- Mag-email sa opcen@redcross.org.ph para sa
karagdagdang impormasyon
Tanong: Ano ang Red Cross 143?
Sagot: Ang Red Cross 143 ay isang programa sa
Philippine Red Cross na naglalayong bumuo ng
network ng volunteers na magbibigay magkaroon na 44
volunteers sa 1 barangay na binubuo ng 1 pinuno at 43 kasapi
na syang maaaring magbigay ng mahalagang impromasyon at
kumilos para sa mabilisang pagtugon sa alinmang kalamidad o
sakuna.
Tanong: Ano ang maaaring gawin bilang isang 143
volunteer?
Sagot: Bilang 143 volunteer, ikaw ay may tungkulin na
alamin ang mga posibleng maging banta sa inyong barangay,
planuhin ang mga hakbang na maaaring gawin, ihanda ang mga
bagay na maaaring kailanganin sa oras ng sakuna at sanayin
ang sarili sa pang-unang lunas para sa inyong komunidad.
Ikaw ay maaari ding mag-report sa Red Cross Operation Center
o sa kalapit na PRC local chapter ng anumang pangunahing
impormasyon sa anumang sakuna at tumugon sa mga posibleng
pangangailangan sa inyong lugar. Sa mabilisang pagreport at
pagtugon sa anumang sakuna o kalamidad ay nagbibigay ito ng
mas malaking pagkakataon sa pagsagip mula sa kapahamakan ng
iyong mahal sa buhay o ng mga tao sa iyong komunidad. Sa
karagdagang impormasyon, maaari rin kayong sumadya sa
tanggapan ng Philippine Red Cross.
Tanong: Ano ang mga dapat kong tandaan kapag may
sakuna?
Sagot: Bilang 143 volunteer, ikaw ay maaaring
magreport ukol sa nangyaring sakuna. Maaari ring magbigay ng
babala sa iyong komunidad sa pamamagitan ng 143 Alert
Signals. Ugaliing magdala ng pito para sa alert signals.
143 ALERT SIGNALS:
- 1 mahabang pito na tumatagal ng 5 segundo kung may
paparating o nagaganap na sakuna
- 2 mahahabang pito na tumatagal ng 5 segundo kung
kailangang maghanda sa posibleng paglikas
- 3 mahahabang pito na tumatagal ng 5 segundo kung
kinakailangang lumikas sa lalong madaling panahon.
Tandaan lamang na ang pagitan ng mahahabang pito ay
tumatagal ng 3 segundo.
Tanong: Ano ang dapat i-report ukol sa naganap na
sakuna?
Sagot: Sagutin lamang kung ano, saan, kailan, bakit,
at paano nangyari ang sakuna, at kung sino o ilan ang
naapektuhan sa nasabing sakuna para sa mabilis na pagtugon
at aksyon. Ipagbigay-alam din ang iba pang karagdagang
impormasyon na makakatulong ukol sa naganap na pangyayari.
Tanong: Maaari ba maging isang volunteer sa Red
Cross kahit wala pa akong training sa First Aid o BLS-CPR o
kahit na anong training?
Sagot: Kahit sino na may layuning makatulong sa
kanilang kapwa ay maaaring maging isang volunteer ng Red
Cross may training man o wala. Ang karagdagang impormasyon
tungkol sa pagiging volunteer sa Red Cross ay maaaring
ipagbigay-alam ng ating staff sa pinakamalapit na Red Cross
chapter sa inyong lugar. Sa mga interesado naman ukol sa
training ng First Aid o BLS-CPR. Maaari kayong tumawag sa
(02) 527-9979 or (02) 527-0000 local 154.
|